• Mendiola trip: Jokenphe Fud Haus

    Location: Legarda St.

    Para naman maiba, naisip kong mag-feature ng totoong carinderia (hindi iyong Carinderia Sefali). Noong Biyernes, sumama ako sa Lakbayan ng mga magsasaka patungong Mendiola. Kaysa naman kumain sa walang kamatayan na fast food, tinahak namin ang Legarda para maghanap ng makakainan. Dahil gutom (hindi naman masyadong pagod dahil mula Morayta lang naman ang martsa), pumasok na kami sa unang karinderyang makita namin.


    Hindi naman din kami nabigo dahil bukod sa mura (P30 lang isang ulam), masarap naman ang luto. :) Hindi gaanong maasim ang Sinigang na Baboy pero malasa pa rin naman. Samantalang, malambot at masarap naman ang Chicken Curry. :p Winner.

    Diba, parang nasa restaurant lang (dahil sa pictures)?


    Hindi namin pinalagpas ang opportunity na magpa-picture.



    Eto pa for more advertisement:



    Bago makalimutan, ilang kuha sa rali:


    3 comments → Mendiola trip: Jokenphe Fud Haus

    1. May masarap na kainan dati sa Mendiola, na nalipat sa Legarda. Ton-ton's yung name. Mga sizzling meals ang meron. Super sarap ng sisig pati chicken fillet. Di ko lang alam kung existent pa sila.

    2. Thanks for the tip Jigs! Mahanap nga minsan.

    3. Nakikita ko 'to sa Legarda. Ah...namimiss ko na ang Legarda, Recto, Gastambide, Lepanto at Morayta. Hahaha. Thanks for sharing! :)

    Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...